Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Kirsten Holmberg

Nakatatak Sa Puso

Nagbukas sa pag-unlad sa larangan ng komunikasyon ang pagkakaimbento ni Johannes Gutenberg ng aparato sa pag-iimprenta noong 1450. Lumawak ang kaalaman ng mundo sa pagbasa at pagsulat dahil maraming nailimbag na mga aklat tungkol sa relihiyon at lipunan. Si Gutenberg ang gumawa ng pinakaunang nailimbag na Biblia. Bago pa man maimbento ang pag-iimprenta, maingat at matiyagang isinusulat ng mga eskriba…

Pagtitipon

Minsan, nagsama-sama kaming muli ng mga kaibigan ko. Ginugol namin ang mga araw na magkakasama kami sa paglalaro sa dagat at sa pagsasalu-salo sa pagkain. Pero, ang pinakamasaya ay ang aming pagkukuwentuhan tuwing gabi. Sa mga pagkakataong iyon, naging bukas kami sa pagbabahagi ng mga pinagdaraanan namin. Lagi naman naming ipinapaalala sa bawat isa ang katapatan ng Dios sa kabila…

Magkalaban o Magkakampi?

Matatagpuan ang lungsod ng Texarkana sa pagitan ng Texas at Arkansas. May 70,000 naninirahan sa lungsod na ito. Mayroon itong 2 mayor, 2 konseho, 2 departamento ng pulis at bumbero. Dahil nahahati ito sa dalawa, hindi naiiwasan ang kompetisyon at hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila. Gayon pa man, kilala ang lungsod sa pagkakaisa. Nagsasalusalo ang mga residente roon taun-taon sa…

Maging Mapagbigay

Naglalakad si Kelsey sa masikip na pasilyo ng eroplano habang hawak ang kanyang 11-buwang anak na si Lucy at ang oxygen machine nito papunta sa kanilang upuan. May sakit sa baga si Lucy at nagbiyahe sila para ipagamot siya. Nang makaupo na sila, nilapitan sila ng flight attendant upang sabihin na may pasahero sa first class ang nakikipagpalit ng upuan…

Nagsasalitang Mesa

Ang kalungkutan ang isa sa lubos na nakakaapekto sa ating buhay. Naapektuhan nito ang ating kalusugan at paguugali. Ayon sa isang pag-aaral, malaking porsiyento sa bilang ng mga tao anuman ang edad o kasarian ay nakakaranas ng kalungkutan sa kanilang buhay. Kaugnay nito, isang supermarket sa Britain ang naglagay ng tinatawag nilang “Nagsasalitang Mesa” sa kanilang mga kainan. Maaaring maupo…